Tuesday, April 6, 2004


Heto ako sa Mandaluyong...Shaw Blvd...malapit sa kwarto na nire-
rentahan ko ngayon. Maga-alas tres na ng umaga at gising pa ako.
Mukhang talagang hindi na ako makakatulog. Sige magpuyat na lang
ulit. Sanay naman ako, e.

Di ko alam kung bakit pero paulit-ulit na umaalingawngaw ang
kalungkutan sa aking nakahandusay na haraya.

"Bad trip." ito ang unang sumagi sa umaalon kong isip. Kunsabagay
ito lang naman ang sasagi sa pag-iisip mo sa mga panahong tulad
nito. Para akong nalulunod.

"Gusto/kailangan ko ng beer...'yung malamig na malamig." sunod pang
nasambit ng mga labi ko, sabay kurba sa isang ngiti na ni hindi man
lang sumisisid sa aking kamalayan.

Tumingala ako sa langit; ni isang bituwin wala. Noong panahon ng
mga Griyego at hanggang sa ngayon, ginagamit ng mga mandaragat ang
liwanag mula sa mga ito. Unti-unti na rin akong naliligaw, hindi
alam ang pinagmulan at kung saan tutungo. Para bang may balakid, na
hindi ko mawari, at may kumakaluskos mula sa kabila.

Nakakapagod. Ayoko na.
LUiS

No comments:

Post a Comment