Naalala ko 'yung laban ni Manny "the Pacman" Pacquiao kay Erik "El Terible Morales"... Frankly I've never been a sports fan, unless you count those times noong high school na may crush ako sa Girl's Volleyball Team...at noong tumatambay kami sa stadium na overlooking 'yung swimming pool kung saan nagpi-PE ang mga babae. Other than those, ala na. Well siguro meron din pa-minsan minsang napapatunganga ako sa NCAA at NBA.
Pero iba ang boxing. I know I'm a fan of video game beat-'em-ups like Tekken, Street Fighter at Rival Schools. I enjoy watching action flicks. So siguro it'll come naturally na magugustuhan ko ang boxing...although hindi naman ako gaanong fanatic.
Umaga pa lang hinihintay ko na 'yung laban. Kinuha ko ang kabayong plantsahan at mga paplantsahing damit bilang excuse para mas malapit ako sa TV.
Lunch na pero nampucha, still no sign of Pacquiao. Iba naglalaban. Paubos na ang mga damit. Gutom na ako. Medyo naiirita na ako sa kahihintay.
At nagsalpukan din. Aray ko, 12 Rounds. OK sana kung may Round girls, kaso ala e.
OK naman 'yung mga kumento ng mga Commentators, sa comparison dinaan ang daldalan.
Pero nang dumating ang Round 5, hindi na ako masaya. Two reasons: (1)hindi na kasi gaanong kaganda ang mga sinasabi ng commentators -El Terible pa rin daw- at (2)ang pinakamasakit tanggapin e may putok na sa taas ng isang mata si Manny! Teka, the way I see it headbutt 'yun. Hindi daw. Pucha.
Anlabo. Nanginginig na ang gut ko. Malinaw na headbutt 'yon! Ah, ewan, sabi ko kaya pa ni Manny ang seven rounds, pero kapag nagpatuloy pang dumugo ang sugat n'ya ewan ko na lang. True enough, maya-maya lang, maraming salamat sa mga na-diskaril na kamao ni Morales, umagos na ang dugo sa mukha ng Pinoy.
Nakakaawa na tingnan, parang ang sarap lusubin at hamunin ng sapakan bigla si Morales...pero naisip kong sapakan nga naman ang nature ng boxing, so I pseudo-forgave him.
By round ten, Manny's face had become so swollen you can easily teach facial anatomy, complete with contours and facial fats. Tagaktak ang pawis, at halata nang nahihilo na. Pero go pa din! Pinoy talaga.
What I absolutely like about Manny's technique -and it's consistent sa lahat ng mga laban n'ya- ay 'yung mga tumutusok na suntok n'ya. 'Yun bang mga sapak na halos harangin na ni Morales 'yung mga bira n'ya pero makikita mo na lang 'yung boxing glove n'ya streaking its way to slam onto his opponent's face.
Medyo gumaan ang hinanakit ko nang sabihin ng commentator na, "Erik Morales has never faced an opponent this fast..." or something to that effect. Naks! Nakangiti na ako, kasi sunud-sunod na ang mga bira ni Pacman. Nagsisimula nang mag-play ang Lupang Hinirang sa ulo ko at nai-image ko na si Manny na tumatakbo sa llob ng ring habang winawagyway ang Philippine flag - mga flashback nung matalo n'ya si Barrera. Biruin mo nga namang isang Pinoy ang makakatalo kay Erik Morales. Kahit na nakakaawa nang tingnan si Manny...
...nang biglang pumasok ang bayaw ko at sinabi, "Late telecast pala 'yan. Tapos na daw 'yung laban. Natalo si Pacquiao."
PUCHA.
boxing is an animal's game.. only anomals box!
ReplyDelete