Monday, April 18, 2005

The following is a small portion of the interview I had with Myra "Skarlett" Ruaro of the skapunk band Brownbeat All-star. What was supposedly a two-question interview turned out to be the most insightful conversation with a musician I've ever had. I'm printing it in its raw, unedited form. Please take time to read.


Message for younger women?

Maraming aspect ang pagiging babae. Depende yan sa edad mo, ‘yung sa mga bata pa, tulad nga nung EP namin, if you look at it, it’s very woman. ‘Yung lyrics, ako, very ako. ‘Yung song namin na Ako Ito, is about ano ba ‘yung important sa mga bata? I went through a lot of experimentations, that’s ok as long as ang goal mo e hanapin ‘yung anong gusto mo. Hindi ‘yung direktor ka lang. Kasi there’s the unconscious effort na kung lagi kang lang drift nang drift, wala kang direksyon. Kasi dun sa freedom natin, kailangang meron kang bigger picture na tinitingnan. Kasi kung wala kang direksyon ang buhay mo at wala kang plano, walang mangyayari sa ‘yo. Hindi naman pwede ‘ung lakad ka lang nang lakad. Saan ka ba pupunta? “Wala lang.” Don’t waste your time trying to drift so far, kumbaga experiment but be keen about that. I-evaluate mo, “OK ba ito? Masaya ba ito? Makakatulong ba ito? E kung gusto kong maging ganito? Tama ba ito? Itong mga taong ito kaibigan ko ba mga ito?” I think kumbaga as a parent, paano ko ipapaintindi sa anak ko, kasi I’m writing about it now and I tell it to a lot of people, pero ang ultimate test d’yan is paano ko isasabuhay? Paano ko ipapaliwanag sa anak ko bilang nanay? So I’m preparing myself to be a good mother which I am now, and I’m proud to say that. And kung paano nga ako magiging kaibigan, anak, ka-tropa – ate ko din siguro anak ko paglaki di ba? So being a woman is sa wonderful experience, merong mga sentimental times, mga emo, merong mga not thinking about yourself na akala mo unconditional love pero definitely you have to respect and love yourself first before you can share love to others. Kapag wala ka noon, hollow ka lang e. ‘Yun nga ‘yung point nung Ako Ito, aralin mo muna sarili mo mabuti. Kasi two songs within one song ang Ako Ito, the English part in the middle part is called Unbound, pagdating mo sa Unbound you’ll see na wala s’yang koneksyon sa una pero makikita mo sa huli, kasi nag-start ‘yung story dun sa “Kabataan bakit kayo nagre-rebelde? Alin ba sa experience n’yo sa buhay n’yong nagagalit kayo? Alin dun? Sinisisi n’yo magulang n’yo? Pero nagagalit ka, and you’re not trying to let the good things come to you kasi pre-occupied ka sa anger mo.” So automatic sarado kayo e, kasi gumawa nang hindi maganda sa inyo kaya automatic sarado kaagad. And then kung dumarating ‘yung good, hindi mo nakikita. ‘Yon, ganun kasi ang ugali ko noon, ganoon ako noon. Ang tagal kong nilabanan ‘yon, pero hindi dapat ganon. The only way that you are going back to knowing yourself and loving yourself, you don’t love yourself if you don’t let yourself experience the good things. And if you deny the fact na ‘yung bad things at hindi mo ina-acknowledge na may makakatulong sa ‘yo. Akala mo lang ino-opress ka lagi, hindi mo nari-realize na ang pagmamahal mo ay magiging hedonist, which is hindi dapat. Loving yourself, to love others is different from “I love myself. I’ll do anything I want. Fuck all of you!” And you think you love yourself by doing that? Paano mo mamahalin ang sarili mo? Tanggalin mo mga pabigat! Man, nilalagyan mo sarili mo ng bagahe. Lumubog ka na. Tapos sasabihin mo, “Mahal ko sarili ko, ako lang ang nakakaintindi. Galit ako. Kaya ako nakaka-survive kasi I’m strong and because I’m angry.” Malakas ka pero galit, nakakatayo ka nga pero nakalaylay ka naman lagi. Bagahe ‘yun, everyday naka-simangot ka, ang pangit no’n. How would love yourself? It’s by forgiving, you have to break the chain of hate, and it has to start with you. It may take a lifetime but at least alam ng utak mo at may conscious effort ka na “Tama na mainis, tama na” tapos harap ka na uli. Ok lang magalit pero, pero h’wag mong ikimkim, palabasin mo kaagad. You better start forgiving. You better start believing, maniwala ka sa sarili mo na kaya mo mong baguhin. Kaya, kasi walang ibang unang kakausap sa ‘yo about it, ikaw din. Parang “Since gago ako ngayon, ganito aayusin ko na ito. Gusto ko nang baguhin ito.” Ganun. “Ako ito na nagbabago” Kinakanta ko din sa sarili ko ‘yan, tapos sana ‘yung ibang tao na makabasa nung lyrics kakantahin din ‘yon, kaya nga sana gusto ko kunin n’yo ‘yung lyrics tapos sabayan n’yo, unconsciously you’ll be feeding yourself “Ako ito na magbabago/Ako ito na matututo/Ako ito na binubuo ang pagkatao ko” Para s’yang mantra, everyday mo na sinasabi sa sarili mo, tapos you go around. It’s like meditation, kaya nga ang prayers, ang meditation ng kahit anong religion paulit-ulit ‘yan. It has to be repetitive, para maintindihan ng isang tao ‘yan, paulit-ulit munang kakantahin ‘yan bago pumasok sa kanya. ‘Yun ang goal namin. Na sana may bata na makarinig n’yan, kantahin habang papunta sa eskwela, tapos ‘yung mga yuppie na nagta-type or mga nasa call centers, tapos kakantahin nila, sana magkaroon ng effect sa kanila, magkaroon ng chain para hindi na masyadong galit ang mundo.

No comments:

Post a Comment